‘Dapat Basahin ng Bawat Tao sa Lupa ang Publikasyong Ito’
ISANG mambabasa mula sa Alabama, E.U.A., ang nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa Gumising! at sumulat:
“Katatapos ko lamang basahin ang lumang isyu ng magasing Gumising!, na pinamagatang “Matagumpay sa Harap ng Kamatayan.” (Mayo 8, 1993) Hindi ko ito maibaba. Ito’y nagbibigay-kabatiran, makatotohanan, nakapagtuturo.
“Sa palagay ko dapat magkaroon ng pagkakataong basahin ng bawat tao sa lupa ang publikasyong ito!”
Ang Gumising! ay inilalathala sa 78 wika para sa kaliwanagan ng iba. Tinatalakay ng mga artikulo nito ang relihiyon at siyensiya, gayundin ang usaping panlipunan, emosyonal, at pampamilya na nasa isipan ng maraming tao.
Kung nais mong tumanggap ng Gumising! o nais mong may dumalaw sa inyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng edukasyon sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa direksiyon na pinakamalapit sa inyo sa talaan sa pahina 5.