Katapatan ang Hanap Niya
Isang dalaga sa Ecuador ang nagtungo para sa isang panayam sa trabaho. Pagkatapos makipag-usap sa iba pang kandidato—may 36 lahat-lahat—natanto niya na ang kaniyang tsansa ay maliit. Mayroon silang karanasan sa trabaho at edukasyon sa pamantasan, samantalang siya ay wala alinman dito. At sa anim na katanungang itinanong, dalawa ang nasagot niya nang mali. Subalit, ang isang tanong ay personal: “Ano ang kahulugan ng katotohanan para sa iyo?”
Ang babae ay sumagot: “Ang katotohanan ay hindi isang mahirap unawaing kaisipan kundi isang bagay na dapat nating ipamuhay. Dapat tayong magsalita ng katotohanan at huwag magsinungaling, sapagkat kung tayo’y nagsisinungaling, tayo’y nakikisama kay Satanas na Diyablo. Kung tayo’y nagsasalita ng katotohanan, napalulugdan natin ang Diyos at nagkakamit tayo ng maraming personal na mga pakinabang.”
Nang tanungin ng manedyer ang relihiyon ng babae, siya’y sumagot na siya’y isa sa mga Saksi ni Jehova. Kinabukasan ay ipinaalam sa kaniya na siya ang napili para sa trabaho. Pagkaraan ng isang buwan ay tinanong ng babae ang manedyer kung bakit siya ang napili niya, at siya’y sumagot na ito’y dahil sa kaniyang katapatan.
Hindi ba totoo na maraming tao sa ngayon ang di-tapat? Sa kabilang dako naman, ang mga taong gumagalang sa Bibliya ay kilala sa kanilang katapatan. Ang Bantayan ng Hulyo 1, 1995, ay nagsabi: “Sa Bibliya, ang ‘katotohanan’ ay hindi sa paanuman katulad ng mahirap unawain, di-malirip na kaisipan na tampulan ng pagdedebate ng mga pilosopo.”
Ikaw ay makikinabang mula sa regular na pagbabasa ng Ang Bantayan, na kilala sa buong daigdig bilang isang tagapagtanggol ng katotohanan ng Bibliya. Kung nais mong magkaroon ng isang kopya o magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.