Ang Kahalagahan ng Isang Magasin na Gumising!
Noong Agosto 1993, isang lalaki sa São Paolo, Brazil, ang nakapulot ng isang kopya ng Gumising! sa basurahan. Pagkatapos basahin ito na may pagpapahalaga, nagpadala siya ng isang sulat sa direksiyon ng Samahang Watch Tower sa Brazil. Siya’y sumulat: “Pakisuyong padalhan ninyo ako ng impormasyon tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Natitiyak ko na malaki ang maitutulong nito sa akin.”
Ang kahilingan ng lalaki ay ipinadala sa isang kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova na malapit sa kaniyang tinitirhan. Ang lalaki ay dinalaw, at sinimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa kaniya. Noong Setyembre 1995, sinagisagan ng lalaki ang kaniyang pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng bautismo sa tubig sa isang kombensiyon ng mga Saksi.
Ang kahalagahan ng isang magasin na Gumising! ay hindi dapat maliitin. Ang nilalaman nito ay nakaaapekto sa mga buhay sa personal na paraan. Kung nais mong regular na tumanggap ng babasahing ito, humiling sa isa sa mga Saksi ni Jehova o sumulat sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.