Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 11/8 p. 32
  • “Sa Paghahanap ng Pinakadakilang Dalubsining”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Sa Paghahanap ng Pinakadakilang Dalubsining”
  • Gumising!—1996
Gumising!—1996
g96 11/8 p. 32

“Sa Paghahanap ng Pinakadakilang Dalubsining”

Iyan ang pamagat ng Gumising! ng Nobyembre 8, 1995. Ang paksa ay nagdala ng mabuting reaksiyon mula sa mga mambabasa sa buong daigdig.

Si Amang ay sumulat mula sa Douala, Cameroon: “Ang mga artikulo ay nagkaroon ng malaking epekto sa akin sapagkat mahilig ako sa sining, lalo na sa magagaling na painting. Nauunawaan ko ngayon na may isang Dalubsining na mas dakila kaysa kay Van Gogh, Rembrandt, Da Vinci, at iba pa​—walang iba kundi ang Diyos na Jehova mismo.”

Mula sa St. Barthélemy, sa French West Indies, ganito ang sabi ni Frederick: “Apat na beses ko itong binasa, at tuwing binabasa ko ito ako ay nalilipos ng pasasalamat sa magagandang bagay na ibinigay sa atin ng ating Maylikha.”

Si Assunta ay sumulat mula sa Italya: “Pinukaw nito sa akin ang pagnanais na magpinta. Pinasidhi nito ang aking pananabik sa bagong sanlibutan ng Diyos.” At ganito naman ang sabi ni Irena, mula sa Czech Republic: “Kapag pumupunta tayo sa mga museo, kailangang magbayad tayo upang makita ang mga gawa ng sining, samantalang ang Maylikha ng lahat ng likas na kagandahan ay ibinibigay ito sa atin nang libre, araw-araw.” Si Aline ay sumulat mula sa Brazil: “Bagaman madalas na may mga artikulo tayo upang tulungan tayong pahalagahan ang personalidad ni Jehova, ang mga ito ang nakaantig ng aking puso. Nagbigay ito ng maraming detalye tungkol sa paglalang na nagdaragdag ng ating pagpapahalaga sa pag-ibig ni Jehova.”

Mula sa maginaw na taglamig sa Wisconsin, E.U.A., ganito ang sulat ni Anne: “Talagang nakatulong ito sa akin na pahalagahan ang kagandahan ng paglalang. Kung minsan mahirap makasumpong ng kagandahan sa ating mga kapaligiran kung taglamig. Nang araw na mabasa ko ang artikulo, lumabas ako at minasdan ko ang namumuong niyebe sa ibabaw ng isang sanga, isang dahon na natakpan ng niyebe, mga bakas ng hayop sa niyebe. Salamat muli sa paalaala kung paano natin mapahahalagahan ‘ang Pinakadakilang Dalubsining.’”

Kung nais mong regular na tumanggap ng magasing ito, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share