Ang “Pitong Katiwalian ng Daigdig”
DIUMANO si Mohandas Gandhi ang gumawa ng isang talaan ng tinaguriang “Pitong Katiwalian ng Daigdig.” Ang mga ito ay ang sumusunod:
• Kayamanang hindi pinaghirapan
• Kaluguran na walang budhi
• Kaalamang walang kaasalan
• Komersiyong walang moralidad
• Siyensiyang hindi makatao
• Pagsambang walang pagsasakripisyo
• Pulitikang walang prinsipyo
Ang kaniyang apo na si Arun Gandhi diumano’y nagdagdag ng ikawalo:
• Mga karapatang walang pananagutan
Marahil ay makapagmumungkahi ka pa ng ilan, subalit ito ang talaan na talagang pumupukaw-kaisipan. Ang lunas ng Bibliya sa “mga katiwalian” na ito ay binuod sa dalawang utos: “‘Ibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.’ Ito ang pinakadakila at unang kautusan. Ang ikalawa, na tulad nito, ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang kautusang ito ay nakasalalay ang buong Batas, at ang mga Propeta.”—Mateo 22:37-40.
[Picture Credit Line sa pahina 20]
UPI/Corbis-Bettmann