“Isang Malaking Tulong sa Sangkatauhan”
“Malaking tulong ang nagawa ninyo sa sangkatauhan sa paglalathala ng aklat na ito. Kamangha-mangha ito. Mahusay na kalipunan. Karapat-dapat sa papuri.
“Ang kagandahan ng aklat ay ang bagay na ito’y tumatalakay sa lahat ng aspekto ng relihiyon, at sa paggawa nito ay naging maingat ito upang huwag mamintas. Napakahusay. Talagang napakahusay.”
Anong aklat ang tinutukoy ng doktor mula sa Tiruchchirappalli, India, na sumulat ng liham na ito? Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, isang 384-na-pahinang kalipunan ng mga pinagmulan at mga turo ng pangunahing mga relihiyon sa daigdig—Hinduismo, Budismo, Taoismo, Confucianismo, Shinto, Judaismo, Kristiyanismo, at Islam. Ipinaliliwanag ng huling mga kabanata ang makabagong kawalang-paniwala at isang pagbabalik sa tunay na Diyos. Mahigit na 16 na milyong kopya ng aklat na ito ang nailimbag sa 37 wika.
Nabasa ng doktor ang isang hiram na kopya. Nais niya ng isa para sa kaniyang sarili. Kung nais mong suriin ang may ilustrasyong aklat na ito para sa iyong sarili, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon sa pahina 5 ng magasing ito.