Ano ang Nalalaman Mo Tungkol kay Jesus?
Isang 84-anyos na babaing nakatira sa Estados Unidos ang nagsabi ng ganito tungkol sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang 448-pahina at may ilustrasyong aklat tungkol sa buhay ni Jesu-Kristo: “Nabasa ko na ang buong Bibliya sa iba’t ibang panahon, at ang Pinakadakilang Tao ay nakatulong sa akin upang higit kong maunawaan ang aking pagbabasa ng Bibliya.” Ginawa ng aklat na kawili-wili at makatotohanan para sa kaniya ang ulat ng Bibliya tungkol sa buhay ni Jesus.
“Hinding-hindi ako nagsawa sa pagbabasa ng aklat,” ang sulat niya. “Pitong beses ko na itong nabasa at nagsimula na naman akong basahin itong muli. Naaantig ang puso ko dahil sa kamangha-manghang mga katangian ni Jesus. Kapag binabasa ko ang mga kabanata tungkol sa huling linggo ni Jesus sa lupa, nagdurugo ang puso ko sa masamang pagtratong tinanggap niya, lalo na noong mga huling oras niya, at sa kaniyang kamatayan sa pahirapang tulos. Gayunman, niluwalhati niya ang ating makalangit na Ama, si Jehova.”
Sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang pagsisikap ang ginawa upang maiharap ang bawat pangyayari sa makalupang buhay ni Jesus na nakalahad sa apat na Ebanghelyo. Makatutulong ito sa iyo na matuto nang higit tungkol kay Jesus. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya o nais mong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.