Kaaliwan sa Pamilya at sa mga Kaibigan
NANG bumagsak ang eroplanong TWA 800 sa Karagatang Atlantiko noong Hulyo 17, nasawi ang lahat ng 230 pasahero. Kasali rito ang 16 na estudyante ng wikang Pranses sa haiskul at limang may sapat na gulang na mga tsaperon mula sa Montoursville, isang maliit na bayan sa Pennsylvania na may halos 5,000 nakatira. Sa isang serbisyo sa libing noong Agosto 17, isa sa mga tagapagsalita, si Rudolph Guiliani, ang mayor ng New York City, ay nagsabi na kung ang gayong porsiyento ng mga tao sa New York City ang namatay, 35,000 ang maaari sanang nasawi!
Ang punong-guro sa haiskul, si Dan Chandler, ay hinilingang magsalita sa burol ng ilang estudyante. Inulit niya ang pangako sa Bibliya na nasa Apocalipsis 21:4, na nagsasabi na sa bagong sistema ng mga bagay ng Diyos ay “hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.” Kung bakit naman nangyari ang mga trahedyang iyon, binanggit niya ang nasa Eclesiastes 9:11, na nagsasabi tungkol sa “panahon at di-inaasahang pangyayari” na nagaganap sa lahat sa atin. Marami ang nagulat na marinig sa kanilang punung-guro sa haiskul ang gayong nakaaaliw na mga komento.
Upang makatulong pa ng higit, naglagay si Chandler ng isang mesa sa paaralan ng haiskul upang makuha ang mga publikasyong gaya ng 32-pahinang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal at ang tract na Anong Pag-asa Para sa Namatay na Mga Minamahal? Daan-daang literatura sa Bibliya ang tinanggap, at marami ang nagpasalamat sa kaaliwang inilaan nito.
Ikaw rin ay makasusumpong ng kaaliwan mula sa brosyur at tract na nabanggit. Kung ibig mong makatanggap ng kopya ng bawat isa o ibig mong magkaroon ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Sa kagandahang-loob ng Williamsport Sun-Gazette
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Corey Sipkin/Sipa Press