Isang Napakahalagang Magasin
ISANG nars mula sa London ang sumulat ng sumusunod na komento sa mga tagapaglathala ng Gumising!:
“Isang araw ay nakikipag-usap ako sa aking bagong kapitbahay, si Jackie, tungkol sa aking pag-aalaga sa mga may edad na. ‘May mga magasin ako na baka magustuhan nilang basahin,’ ang sabi niya sa akin. Dinala ko ang mga magasin sa aking trabaho at iniwan ko ito sa pinagkakapehang mesa. Nang sumunod na pagdalaw ko napansin ko na gusot ang mga pahina ng mga magasin, kaya talagang binabasa ito ng mga tao.
“Hindi nagtagal ay lumipat ako ng trabaho at pumasok ako sa isang ospital. Inilagay ko ang mga magasin ng aking kapitbahay sa silid-hintayan. Minsan pa’y nakita ko na ito’y binabasa. Isang umaga nang aking ginagamot ang kamay ng isang matandang babae, sinabi ng kaniyang asawang lalaki: ‘Huwag sana kayong magagalit, pero kinuha ko ang magasing ito sa inyong silid-hintayan. May napakaganda kasing artikulo ito na ibig kong ibahagi sa aking anak na lalaki.’
“Naging isang pagpapala rin ang magasin sa akin. Yamang ako’y nagsasanay pa rin sa pagiging isang nars, nagamit ko ang mga artikulong ito sa aking mga research paper, na nagustuhan ng aking mga guro.
“Ang aking kapitbahay na si Jackie ay isa sa mga Saksi ni Jehova, at ang magasin na aking tinutukoy ay ang Gumising! Ang aking nabasa sa magasing ito ay nakatulong sa akin na higit kong maunawaan ang aking sarili at ang tungkol sa hinaharap ng sangkatauhan.”
Kung ibig mong tumanggap ng susunod na labas ng Gumising!, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon sa pahina 5.