Isang Pang-edukasyong Tulong sa Pamumuhay
Sinabi ng isang guro sa paaralan sa Zimbabwe, Aprika, na sa Nyatsime College, kung saan siya nagtuturo, ang subject na “Edukasyon sa Pamumuhay” ay itinuturo. Inilahad niya ang kaniyang naranasang mga problema sa pamilya at inamin niya na kailangan niya ng tulong upang malutas ang mga ito.
Nagpapaliwanag kung ano ang nangyari pagkatapos niya mismong makasal, ganito ang sabi niya: “Halos nagsimula agad-agad ang mga problema at humantong ito sa pasiya naming maghiwalay noong Nobyembre 1989.” May iba pa ring mga problema. Sumulat siya: “Ako ang panganay na anak ng tunay kong ina, na siyang unang asawa ng aking ama. Nang ako’y nasa ikalawang taon sa pagsasanay sa pagiging isang guro, namatay ang aking ama, anupat naiwan sa aking pangangalaga ang 16 na nakababata kong mga kapatid.”
Ang pakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova ang tumulong sa gurong ito na malutas ang kaniyang mga problema sa pamilya. Sila ng kaniyang maybahay ay nagkabalikan at naging masaya. Ganito ang sulat niya: “Natutuhan naming mag-asawa mula sa mapait na karanasan namin na ang pagsisikap ng tao na lutasin ang kaniyang mga problema nang hiwalay sa Diyos ay walang kabuluhan.” Kumusta naman ang pagtulong niya sa kaniyang mga estudyante sa kanilang mga problema?
“Inirekomenda ko ang aklat na Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa punung-guro ng aming paaralan at sa iba pang mga guro bilang angkop na aklat-aralin,” ang sulat niya. “Lahat sila ay sumang-ayon, at kumuha ang paaralan sa akin ng 56 na aklat, na inihatid ko naman sa paaralan.”
Naniniwala kami na makikinabang ka rin nang malaki mula sa pang-edukasyong tulong na ito na may kaakit-akit na mga larawan at may 320 pahina. Kung ibig mong makatanggap ng kopya nito o ibig mong magkaroon ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.