Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 4/22 p. 32
  • Pinakilos Siya Nito!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinakilos Siya Nito!
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 4/22 p. 32

Pinakilos Siya Nito!

Isang lalaki mula sa Caracas, ang kabisera ng Venezuela, ang dumalaw sa kaniyang matanda nang ama, si Rufino. Ang ama ay nakatira sa La Loma, isang liblib na nayon ng bansa. Dinalhan si Rufino ng kaniyang anak na lalaki ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.

Nang maglaon, ang mga Saksi ni Jehova mula sa Los Humocaros ay nangaral sa La Loma. Gayon na lamang ang kanilang pagkagulat nang sabihin ng mga tao na isang Saksi ang dumadalaw na sa kanila. Nagtaka ang mga Saksi sapagkat alam nilang walang mga Saksing nakatira sa lugar na iyon. Pagkatapos ay itinuro ng isang tao ang bahay ng diumano’y Saksi​—ito ang bahay ni Rufino!

Tuwang-tuwa si Rufino na makilala ang kaniyang mga bisita. Bakit siya kinilala ng mga tao sa kaniyang nayon bilang isa sa mga Saksi ni Jehova? Buweno, nagsimulang basahin ni Rufino ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, at nang umabot siya sa kabanata 13, nakita niya ang larawan ni Jesus na nagsusugo ng kaniyang mga tagasunod sa gawaing pangangaral. Napaghinuha ni Rufino na ang mga Kristiyano sa ngayon ay dapat na nangangaral din. Kaya ibinahagi niya sa kaniyang mga kapitbahay ang mga katotohanan ng Bibliya na kaniyang natututuhan.

Napasimulang pagdausan ng isang regular na pag-aaral sa Bibliya si Rufino, at siya’y sinabihan tungkol sa mga pulong sa kongregasyon. Nang sumunod na Linggo ay naroroon siya sa Kingdom Hall. Bagaman si Rufino ay 80 taóng gulang na, naglakad siya ng tatlong oras upang makarating doon! Mula noon, hindi siya kailanman lumiban sa pulong maliban kung siya’y maysakit. Nagpatala pa nga siya sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at nakapagpahayag na. Si Rufino ay nagkasakit noong nakaraang taon, at siya’y namatay noong Hulyo 1996, taglay ang matibay na pag-asa sa isang pagkabuhay-muli sa paraisong lupa.

Kami’y naniniwala na kayo rin ay makikinabang sa pagbabasa ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa na may 256-pahina at may magagandang larawan. Kung ibig ninyong makatanggap ng isang kopya o ibig ninyong magkaroon ng isang libreng pantahanang pag-aaral ng Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share