Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 5/8 p. 32
  • Sinabi Ito ng Awake! Noong 1990

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sinabi Ito ng Awake! Noong 1990
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 5/8 p. 32

Sinabi Ito ng Awake! Noong 1990

KAMAKAILAN, ang paglaganap ng “mad-cow disease” ay pinagmulan ng malaking pagkabahala sa Europa. Ikinatakot ng marami na ang karamdaman ay mailipat sa mga tao. Naniniwala rin ang ilan na may kaugnayan sa pagitan ng pagkain ng karne mula sa mga hayop at sa pagkakaroon ng Creutzfeldt-​Jakob disease, isang kumakalat at tiyak na nakamamatay na sakit sa sentral na sistema ng nerbiyo ng tao. Hindi kataka-taka, habang kumakalat ang mad-cow disease, humina ang pagkain ng karne.

Kapansin-pansin, si Stefania Ferrari ay sumulat sa labas ng Mayo 1996 ng babasahing Italyano na TuttoReggio: “Natuklasan namin ang isang magasin na bumabanggit ng tungkol sa kapaha-pahamak na salot na ito noong 1990 pa​—ang Awake!, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.” Ang artikulong tinutukoy niya ay pinamagatang “Ang ‘Mad Cow’ na Problema ng Britanya” at lumitaw sa labas noong Nobyembre 8, 1990. Pagkatapos sipiin ang panimulang apat na parapo, si Ferrari ay nagulat na ang artikulong ito ay lumitaw “anim na taon na ang nakalipas bago ang bagay na ito ay naipagbigay-alam sa publiko sa buong daigdig.” Patuloy pa niya: “Pagkakita sa artikulong ito ng 1990 na nag-ulat sa hindi kapani-paniwalang sunod-sa-panahong impormasyong ito, ang ilan ay nagsabi: ‘Kung nalalaman ng mga Saksi ni Jehova ang tungkol sa seryoso at mahalagang bagay na ito, bakit hindi nila itinawag-pansin ito sa lahat, kahit na doon sa mga hindi kabilang sa kanilang mga kongregasyon?’ Magtapatan tayo: Kung isa sa mga Saksi ni Jehova ay kumatok sa ating pinto noong 1990 na ipinakikita sa atin ang Bibliya at ang artikulong iyon na nalathala sa kanilang magasin, ilan sa atin na may ibang relihiyong sinusunod ang tototohanin ito?”

Noong 1990, nang ilathala ang artikulong “Ang ‘Mad Cow’ na Problema ng Britanya,” ang Gumising! ay may pamantayang limbag na halos 12 milyong kopya, sa 62 wika. Ang mga Saksi ni Jehova ay abala sa pamamahagi ng napapanahong babasahing ito sa mahigit na 200 lupain sa buong daigdig. Sa ngayon, ang Gumising! ay may pamantayang limbag na 18,350,000 kopya sa 82 wika. Ang babasahing ito ay patuloy na naglalathala ng nakapagtuturo at sunod-sa-panahong mga artikulo. Kung nais mong tumanggap ng susunod na mga labas ng Gumising!, pakisuyong makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share