Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/8 p. 32
  • “Tuwang-tuwa Sila na Parang mga Bata”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Tuwang-tuwa Sila na Parang mga Bata”
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 8/8 p. 32

“Tuwang-tuwa Sila na Parang mga Bata”

Ganiyan inilarawan ng 32-anyos na si Sergei, ama ng tatlong bata, ang reaksiyon ng kaniyang mga kaibigan nang ipakita niya sa kanila ang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ganito inilarawan ni Sergie, na nakatira sa Tatarstan, Russia, ang nangyari:

“Sa simula ay tiningnan namin ang mga larawan at binasa ang mga pamagat. Sinundan ito ng lubhang kawili-wiling talakayan. Lahat ng aking mga kaibigan ay may-kabataang mga ama at ina . . . Lahat kami’y nagsisimba kapag Pasko ng Pagkabuhay at mga binyag, subalit diyan lamang kami nasasangkot sa simbahan.

“Sa kabilang dako naman, gayon na lamang ang interes namin sa inyong literatura! Ang makulay, maganda ang pagkakadisenyong pabalat ng aklat ay agad na nakatatawag ng pansin. Kapag sinimulan mong basahin ito, mahirap nang huminto. Gusto mong ibahagi sa iyong mga kapuwa ang natutuhan mo. Bukod pa riyan, nasisiyahan ka at kontento pagkatapos mong basahin at talakayin ang impormasyon. Sa wakas, nasumpungan namin ang isang bagay na kasiya-siya, matalino, at kapaki-pakinabang na pag-usapan.

“Tunay, tayo’y nabubuhay na walang kaalam-alam sa espirituwal na mga bagay. Ang lahat ay nag-uusap tungkol sa pera, mga problema, mga alalahanin, at intriga. Winawasak lamang ng mga bagay na ito ang puso. Pagkatapos pag-isipan ang mga ito, nahihirapan kang makatulog, at sa umaga’y ayaw mo pang magising at makakaharap mo ang isang tambak na problema ng tao.”

Marahil ay ganiyan din ang nadarama mo at nanaisin mong magkaroon ng isang kopya ng kawili-wiling publikasyong ito, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, isang internasyonal na organisasyon ng mahigit na limang milyong estudyante ng Bibliya. Kung nais mo ng higit pang impormasyon o ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share