Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 8/22 p. 32
  • “Isang Kabang-yaman ng Kaalaman”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Kabang-yaman ng Kaalaman”
  • Gumising!—1997
Gumising!—1997
g97 8/22 p. 32

“Isang Kabang-yaman ng Kaalaman”

Isang lalaki na sumusulat sa magasing THENEWS sa Lagos, Nigeria, ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa bansang iyan at inilarawan ang Gumising! sa mga katagang nabanggit sa itaas. Ganito ang kaniyang sabi:

“Sa tuwing makababasa ako ng kopya ng Gumising!, nauudyukan akong sumulat sa inyo. Subalit malimit, kapag akma na akong susulat, isa na namang maganda, sa katunaya’y mas maganda, na kopya ng magasin ang darating at makabibighani sa akin muli.

“Ang pinakaugat ng lahat ng ito? Ang Gumising!, sa palagay ko, ay isang kabang-yaman ng kaalaman. Bihira akong makakita ng isang publikasyon na gayon na lamang ang kalidad, gayong kaganda, gayong katimbang, at napakahusay ng kabuuang pagkakagawa. Ito’y isang napakahalagang kaloob sa sangkatauhan.

“Mula sa kaibuturan ng aking puso, ibig kong sabihin ang ganito: Maraming, maraming salamat. Sana’y ipagpatuloy ninyo ang magandang gawa.”

Natitiyak namin na ikaw rin ay makikinabang mula sa pagbabasa ng Gumising! Kung ibig mong makatanggap ng isa pang kopya o ibig mong may dumalaw sa inyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share