Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 2/8 p. 32
  • Pag-asa ng Isang Batang Babaing Ruso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-asa ng Isang Batang Babaing Ruso
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 2/8 p. 32

Pag-asa ng Isang Batang Babaing Ruso

Isang 15-taóng-gulang na batang babae sa Ukhta, Russia, isang lunsod na may 100,000 populasyon na mahigit na 1,200 kilometro sa hilagang-silangan ng Moscow, ang nagpahayag ng marubdob na hangarin para sa mas mabuting kalagayan sa lupa. Ipinaliwanag niya ito sa sumusunod na liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia:

“Nabanggit po sa akin ng aking kaibigan na ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman ay naglalarawan ng naging buhay ni Jesu-Kristo. Interesadung-interesado po ako sa inyong mga aklat, magasin, at brosyur. Nais ko pong ipaliwanag kung paano sumibol ang interes na ito. Nagsimula po ito sa tanggapan ng telegrapo nang pumunta ako roon para magbayad sa radyo at telepono. Doon ko po nakita ang isang tract sa sahig. Dinampot ko ito, pinagpag ang dumi, at sinimulang basahin ang tract, na may pamagat na Bakit Kaya Punung-puno ng Suliranin ang Buhay?

“Nabasa ko po ang tungkol sa pagkabalisa at pagdurusang taglay ng mga tao, at ang pabalat ng tract ay naglalarawan ng pangako ng isang bagong buhay sa Paraiso. Umaasa po ako na balang araw ay darating din ito. Talagang gusto ko pong makita ang lahat ng tao na maliligaya, kontento, at malulusog at makita rin po ang namatay na mga kamag-anak. . . . Nais ko pong malaman kung ano ang dapat kong gawin para magkaroon ng pag-asa na mabuhay sa makalupang Paraiso. Nakikiusap po ako na padalhan ako ng ilang impormasyon o mga aklat. Babayaran ko po ang mga ito at ang gastos sa koreo.”

Ikaw man ay maaaring tumanggap ng mga literatura na makatutulong sa iyo upang matamo ang matatag na salig-Bibliyang pag-asa ng buhay sa isang paraisong lupa. Kung nais mong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? o nais mong may dumalaw sa iyong tahanan upang pagdausan ka ng isang libreng pag-aaral ng Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nasa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share