Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 5/8 p. 32
  • Pinahalagahan ng Isang Peryodista ang Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinahalagahan ng Isang Peryodista ang Gumising!
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 5/8 p. 32

Pinahalagahan ng Isang Peryodista ang Gumising!

Ang sumusunod na rekomendasyon ay lumitaw sa High Country News ng Oktubre 13, 1997, na inilathala sa Paonia, Colorado, E.U.A.

“Maaaring hindi na nagbabahay-bahay ang Greenpeace [isang internasyonal na organisasyong pangkapaligiran], ngunit may ibang grupo na patuloy sa matagal na nitong pananaliksik, na madalas na nagbibigay-diin sa mga usaping pangkapaligiran. Namamahagi ito ng milyun-milyong [19 na milyon ng bawat isyu] kopya ng materyal nito sa mga 60 [sa totoo ay 81] wika, kasali na ang Pidgin, Hiligaynon at Zulu. Ang isyu ng Hulyo 8 [1997] ay nagtatanong sa pabalat nito: ‘Sino ang Magliligtas sa Ating mga Hayop?,’ lakip ang isang salaysay sa loob na nagsasabi ng tungkol sa pagdami ng bilang ng nalilipol (tatlo sa bawat oras), sa ‘kalusugang biyolohikal ng planeta,’ at paninira sa ekolohiya . . . Tinalakay sa isyu ng Agos. 22, 1997, ‘Ang Krisis sa Tubig: Isang Pangglobong Problema,’ at ang mga epekto ng paglaki ng populasyon, polusyon at internasyonal na tensiyon may kinalaman sa gamit ng mga ilog . . . Bagaman salig sa siyensiya at malawak ang mga impormasyon, ang konklusyon ng marami sa mga artikulong ito ay hindi ayon sa binabanggit ng mga nagmamalasakit sa kapaligiran. Sinasabi ng mga artikulong ito na kung nais mong makibahagi sa pagpapanibagong-ayos ng lupa, ‘Pakisuyo kung gayon na alamin ang hinihiling ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya.’

“Ang grupo ay ang mga Saksi ni Jehova, at ang publikasyon ay ang Gumising! Kung sila’y hindi pumupunta sa inyo, makipag-alam sa Watchtower Bible and Tract Society of New York Inc., 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-​2483.”

Wala na kaming masabi pa maliban sa idagdag, “o sumulat sa pinakamalapit na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng Gumising!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share