Saan Natin Masusumpungan ang mga Sagot?
Parami nang paraming tao ang napupuspos ng mga suliranin at mahihirap na tanong na napapaharap sa kanila sa ngayon. Ano ang turing natin sa pagsisinungaling? Tama bang magsugal? Kumusta naman ang pag-uusyoso sa espiritismo? Ano ang turing natin sa pagpapalaglag? Masama ba ang paglalasing at ang pagsisiping ng mga di-kasal?
Walang katapusan ang mga tanong. At apektado ng mga ito hindi lamang ang ating buhay kundi pati ang buhay ng ating mga minamahal. Ang nais ng mga tao ay mga sagot na pakikinabangan nila. Isa sa mga ito, mula sa Mississippi, sa Estados Unidos, ang sumulat sa Samahang Watch Tower:
“Sa likod ng inyong aklat na pinamagatang Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, napansin ko ang isang nakalimbag na tanong na nagsasabi kung nais ko pa raw ng higit na impormasyon o ng isang libreng pag-aaral ng Bibliya sa tahanan. Aba, gustung-gusto ko!
“Mula pa noong tag-araw ng 1995, binabasa ko na at pinag-aaralan ang aking Bibliya. Pinagsisikapan ko sa abot ng aking kaya na maunawaan ang Bibliya upang magamit ko ito mismo para sa aking mga layuning espirituwal at, higit sa lahat, upang makapagturo sa iba. Kung ang ibig ninyong sabihin ay na magpapadala kayo ng libreng impormasyon, maghihintay ako!”
Kung nais mo ring magkaroon ng kopya ng 192-pahinang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya o nais mong pagdausan ka ng isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon na nasa pahina 5.