Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 12/8 p. 3
  • Sino si Jesu-Kristo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino si Jesu-Kristo?
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Ano Ba ang Hitsura ni Jesus?
    Gumising!—1998
  • Ano Ba Talaga ang Hitsura ni Jesus?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Ano Ba ang Hitsura ni Jesus?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 12/8 p. 3

Sino si Jesu-Kristo?

Sa panahong ito ng taon sa maraming lupain sa buong daigdig, may mga pagdiriwang ng Pasko. Daan-daang milyong tao ang naniniwala na si Jesu-Kristo ay isinilang noong Disyembre 25 mga 2,000 taon na ang nakalipas. Sa mga iginuhit na larawan at mga eskultura, may iba’t ibang paglalarawan sa kaniya bilang isang sanggol sa sabsaban. Subalit, mangyari pa, lumaki siya tungo sa pagkahustong-gulang at nabuhay sa lupa sa loob ng 33 1/2 taon.

NAISIP mo na ba kung ano ang hitsura ni Jesus nang siya’y nasa hustong gulang na? Ano ang kutis niya? Matipuno at magandang lalaki ba siya, o siya ba’y mahina at mukhang masasaktin, gaya ng pagkakalarawan sa kaniya ng iba’t ibang pintor sa nakalipas na mga dantaon? Siya ba’y walang balbas o may balbas? Mahaba ba ang kaniyang buhok?

Gayundin, may nimbo ba ng kabanalan si Jesus, gaya ng tulad-sinag na liwanag sa kaniyang ulo na iginuhit ng ilang pintor? O sa totoo’y wala naman​—na wala siya ng gayong pagkakakilanlang mga katangian kundi na siya ay walang ipinagkaiba sa karamihan ng tao?

Magkakasalungat na kaisipan ang iniharap ng sekular na mga mananalaysay at mga pintor sa nakalipas na mga taon kung tungkol sa hitsura ni Jesus. Karagdagan pa, mayroon ding mapananaligang mga himaton na ibinigay ng mga ulat ng mga nakasaksi mismo sa kaniya na naisulat naman ng mga manunulat ng Bibliya na nabuhay noong unang siglo at kasa-kasama niya.

Gayunman, ang sumusunod ay mas mahalagang mga tanong kaysa sa hitsura niya: Sino ba talaga si Jesu-Kristo? Anong papel ang ginagampanan niya sa layunin ng Diyos? Natupad ba niya ang papel na ito? Ano na siya ngayon, at nasaan ba siya? Mayroon ba siyang napakahalagang posisyon anupat maaapektuhan nito ang buong sangkatauhan, maging yaong marami na namatay na?

Una muna, suriin natin ang katibayan tungkol sa hitsura ni Jesus. Ano ba ang hitsura niya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share