Ikaw ay Malugod na Inaanyayahan
ANG kamatayan ng taong si Jesu-Kristo mahigit nang 1,900 taon ang nakalipas ang siyang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan. Binuksan nito ang pag-asa na matamo ang buhay na walang hanggan sa mala-Paraisong kalagayan. Sa isang simpleng seremonya, gumamit si Jesus ng alak at tinapay na walang lebadura bilang mga sagisag ng kaniyang maibiging pagsasakripisyo bilang tao. Pagkatapos ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Aalalahanin mo ba?
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova upang makasama nila sa pagdiriwang ng Memoryal na ito. Idaraos ito pagkalubog ng araw sa petsa na katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya. Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar tungkol sa eksaktong oras at lugar. Ang petsa ng pagdiriwang sa taóng ito ay Huwebes, Abril 1.