Ang Disenyo ba ay Nangangailangan ng Isang Disenyador?
Iyan ang tanong na pinag-iisipan ng marami sa ngayon. Ano sa palagay mo? Isang lalaki mula sa Virginia, E.U.A., ang sumulat:
“Katatapos ko pa lamang basahin ang Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Sa palagay ko’y napakatiyaga ng ginawang pananaliksik dito at talaga namang pag-iisipin ka. Natanggap ko ang aklat maraming taon na ang nakalilipas mula sa isa sa inyong mga misyonero sa Summerville, South Carolina, E.U.A.
“Talagang humanga ako sa akdang ito at sa makasiyentipikong pagdepensa nito sa paglalang. Dahil sa inyong aklat, inalis ko na sa aking isip ang pagiging totoo ng teoriya ng ebolusyon. Bagaman ako’y isang Romano Katoliko sa buong buhay ko, nagustuhan ko ang aklat na ito at ang pakikipag-usap sa ilan sa inyong mga misyonerong Saksi ni Jehova.”
Kung kayo man ay nagnanais na makatanggap ng mapanghahawakang patotoo na ang buhay ay hindi basta lumitaw na lamang kundi ito’y sadyang nilalang, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5. Malulugod kaming padalhan kayo ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Alamin ang kahanga-hangang disenyo sa mga nabubuhay na kinapal at kung bakit ang gayong disenyo ay nangangailangan ng isang Disenyador.
□ Padalhan ako ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin may kinalaman sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.