Pinasigla Siya Nito na Muling Basahin ang Bibliya
Ganiyan ang nagawa ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao sa isang lalaki sa Mexico. Ganito ang kaniyang isinulat tungkol sa brosyur:
“Ang bago at makatuwirang paraan ng pagtalakay sa mga paksa ay pumupukaw sa mambabasa na hangaring basahin ang Bibliya. . . . Ako mismo ay nasiyahan sa pambungad, sa mga reperensiya, at sa mga paksang ‘Isang Aklat na “Nagsasalita” ng Buháy na mga Wika,’ ‘Mapagtitiwalaan ba ang Aklat na Ito?,’ at ‘Kasuwato ba ng Siyensiya ang Aklat na Ito?’ Ang bawat isa ay simple, may matibay na saligan, at may larawan. . . .
“Para sa akin, ako ay lubhang pinasigla ng impormasyong ito. Naranasan ko na ang kagalakan na mabasa ang buong Bibliya, subalit ang unang bagay na ginawa ko pagkatapos kong basahin ang brosyur na ito ay ang kumuha ng isang Bibliya na may malalaking letra. Ngayon, pagkaraan ng isang linggo mula noon, binabasa ko ang Bibliya nang may higit na sigla at taglay ang hangaring higit pang matuto.”
Kami ay nagtitiwala na ikaw man ay makikinabang nang husto sa pagbabasa sa napakahusay na 32-pahinang brosyur na, Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Makatatanggap ka ng isang kopya sa pamamagitan ng pagsulat sa kupon at paghuhulog nito sa koreo sa direksiyong ibinigay sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.
□ Pakisuyong magsugo ng isa na makikipagkita sa akin may kinalaman sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
The Trustees of the Chester Beatty Library, Dublin