Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 8/22 p. 31
  • Talaga nga Bang Kailangan ang Pagsasalin ng Dugo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga nga Bang Kailangan ang Pagsasalin ng Dugo?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsasalin ng Dugo—Ang Susi Upang Mabuhay?
    Gumising!—1990
  • Medisina ng Pagsasalin ng Dugo—Magtatagal Kaya Ito?
    Gumising!—2006
  • Pagliligtas sa Buhay sa Pamamagitan ng Dugo—Papaano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaloob ng Buhay o Halik ng Kamatayan?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 8/22 p. 31

Talaga Nga Bang Kailangan ang Pagsasalin ng Dugo?

NOONG nakaraang Nobyembre ang katanungang ito sa itaas ay ibinangon sa isang artikulo sa pahayagan na isinulat ni Dr. Ciril Godec, tsirman sa urology sa Long Island College Hospital, sa Brooklyn, New York. Isinulat niya: “Sa ngayon ay malamang na hindi na aprobahan ang dugo bilang medikasyon, yamang hindi nito maabot ang ligtas na pamantayan ng Food and Drug Administration. Ang dugo ay isang sangkap ng katawan, at ang pagsasalin ng dugo ay aktuwal na paglilipat ng isang sangkap ng katawan.”

Sinabi ni Dr. Godec: “Ang paglilipat ng sangkap ang pinakahuling lunas na maaaring ialok sa mga pasyente. Dahil sa masamang epekto na malamang na idulot nito, nililiwanag na mabuti sa mga pasyente ang lahat ng maaaring pagpilian bago gawin ang isang paglilipat.” Hinggil sa pagsasalin ng dugo, ipinasiya niya: “Totoong nakapag-aalinlangan ang idudulot nitong pakinabang anupat maraming siruhano ang sumang-ayon sa pilosopiyang ‘iwasan ang pagsasalin’ hindi lamang para sa medikal kundi gayundin sa legal na mga kadahilanan.”

Ang isang malaking problema sa pagsasalin ng dugo ay na libu-libong tao ang may nakamamatay na sakit, kasali na ang AIDS. Bagaman sumulong na ang mga pamamaraan ng pagsusuri sa dugo sa maraming lugar, sinabi ni Dr. Godec: “Bumabangon ang posibleng panganib mula sa dugong ipinagkaloob ng mga indibiduwal na nahawahan na ngunit hindi pa nagkakaroon ng mga antibody na makikita sa pamamagitan ng mga pagsusuri.”

Sa pagwawakas ng kaniyang artikulo, ganito ang sabi ni Dr. Godec hinggil sa tanong na ibinangon sa itaas: “Habang lalong nauunawaan ng mga doktor at siruhano ang tungkol sa pisyolohiya ng paghahatid ng oksiheno at naunawaan na hindi naman pala kailangang ganoong kataas ang antas ng dugo, halos nagiging laging posible na para sa kanila na makakita ng mga ipapalit sa pagsasalin ng dugo. Nitong isang taon lamang, naging kakambal na ng mahihirap na operasyon sa puso at atay ang pagkaubos ng dugo anupat lagi nilang iniisip na kailangang mapalitan ito ng maraming dugo. Sa ngayon, ang dalawang operasyong ito ay isinasagawa nang walang pagsasalin.

“Talagang may posibilidad, na sa napakalapit na hinaharap, aalisin nang lahat ang pagsasalin ng dugo. . . . Hindi lamang dahil sa mahal at mapanganib ang pagsasalin; ang totoo’y hindi nito nailalaan ang pinakamataas na kalidad ng pangangalaga na nararapat sa mga pasyente.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share