‘Pinakikilos Ka Nitong Maghangad na Makaalam ng Higit’
ANG nasa itaas ay isinulat ng isang mambabasa mula sa North Carolina, E.U.A., hinggil sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? na nilimbag nitong nakalipas na taon. Idinagdag pa niya: “Salamat dahil pinasigla nito ang aking puso at isip na mag-usisa.” Pagkatapos ay sinabi niya ang sumusunod:
“Ngayong araw na ito, habang nakaupo ako sa beranda sa likod ng aming bahay, nakakita ako ng isang uod na berdeng-berde. Dahan-dahan ito kung gumalaw. Maingat muna itong nagsusuri bago umusad at saka marahang nagpatuloy. Gayunman, ito’y nakaabot na sa dulo ng sahig ng beranda. Naisip ko na kung ito’y malaglag sa anumang dahilan—sa taas na isang metro at kalahati—malamang na hindi naman ito gaanong masasaktan. Ngunit kung ang isang tao ay nahulog mula sa nakakahalintulad na taas, siguradong mamamatay siya.”
Nag-isip ang babae, “Ano’t kakaiba ang maliit na berdeng uod na iyon?” Kaniyang nahinuha na ito ay “isa lamang sa milyun-milyong katanungan na kapana-panabik na masagot. Subalit pansamantala, marami tayong matututuhan tungkol sa ating Maylalang mula sa maliit na berdeng uod na iyon.”
Masusumpungan mong maliliwanagan ka sa pagbabasa kung paanong ang ating kagila-gilalas na sansinukob, pati na ang malawak na pagkakaiba-iba ng masalimuot na mga nabubuhay na bagay sa lupa, ay naglalaan ng patotoo na may isang Dakilang Maylalang. Makakakuha ka ng isang sipi ng 192-pahinang aklat na ito na may malambot na pabalat sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Pakisuyong padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA