Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 10/8 p. 11
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 10/8 p. 11

Alam Mo Ba?

(Ang sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa siniping mga teksto sa Bibliya, at ang kumpletong listahan ng mga sagot ay nasa pahina 14. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watch Tower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Aling tribo ng Israel ang nakaranas ng pinakamalaking pagbaba sa mga nababagay maglingkod sa militar​—mahigit sa 60 porsiyento​—nang isinagawa ang ikalawang sensus sa iláng? (Bilang 1:23; 26:14)

2. Ano ang sinabi ni Jesus na hindi gagawin ng mga bubuhaying-muli? (Lucas 20:35)

3. Kanino ipinatungkol ni Agur ang mga salitang matatagpuan sa Kawikaan kabanata 30? (Kawikaan 30:1)

4. Ano ang sinabi ni Pablo na kailangang baguhin upang magawa ang kalooban ng Diyos? (Roma 12:2)

5. Sino ang ginamit ni Gamaliel na mga halimbawa sa paghikayat sa Sanedrin na huwag ligaligin ang mga Kristiyano? (Gawa 5:34-40)

6. Ano ang nais sanang gawin ni Jose upang maiwasan na si Maria ay maging “isang pangmadlang panoorin”? (Mateo 1:19)

7. Bakit kaya ang mga taong “nananahanan sa Lidda at sa kapatagan ng Sharon . . . ay bumaling sa Panginoon”? (Gawa 9:35)

8. Paano sinubukang tuksuhin ng mga Fariseo at ng mga Saduceo si Jesus? (Mateo 16:1)

9. Ano ang ginawa ni Jehova sa mga balakyot na anghel na nag-iwan ng kanilang sariling wastong tahanang dako? (Judas 6)

10. Ano ang kahulugan ng paglalang sa tao ayon sa larawan ng Diyos? (Genesis 1:27)

11. Ano ang ibig sabihin ng Diyos sa pagsasabing ang lupa ay kaniyang tuntungan? (Isaias 66:1)

12. Saan nagtungo si Cleopas at ang isang kapuwa alagad nang si Jesus ay magkatawang-tao at samahan sila? (Lucas 24:13)

13. Kung tayo ay lalakad “sa kawalang-pagkukulang,” sa ano tayo makatitiyak? (Awit 84:11)

14. Sina Pablo at Aquila ay magkatulad sa ano? (Gawa 18:3)

15. Ilan ang inihula ng Diyos na magiging anak ni Ismael na anak ni Abraham? (Genesis 17:20; 25:16)

16. Ilang “kaluluwa sa sambahayan ni Jacob” ang pumaroon sa Ehipto sa utos ng Paraon? (Genesis 46:27)

17. Sa ano inihambing ni Jesus yaong mga gumagawa ng mabuti sa pinakamababa sa kaniyang mga kapatid? (Mateo 25:31-45)

18. Anong titulo, na kinuha mula sa una at huling letra ng Griegong alpabeto, ang ibinigay sa Diyos? (Apocalipsis 1:8)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Ang tribo ni Simeon

2. Mag-asawa

3. Itiel at Ucal

4. Ang pag-iisip ng isa

5. Teudas at Hudas na taga-Galilea

6. Diborsiyuhin siya

7. Nakita nilang napagaling ni Pedro si Eneas sa pangalan ni Jesus

8. “Hinilingan nila siya na magtanghal sa kanila ng isang tanda mula sa langit”

9. Sila ay pinipigilan “sa mga gapos na walang-hangganan sa ilalim ng pusikit na kadiliman ukol sa paghuhukom sa dakilang araw”

10. Mayroon siyang mga katangian na kalarawan niyaong sa kaniyang Maylalang at na ipinagkaiba niya sa mga hayop

11. Sa makasagisag na pananalita, na ang kaniyang trono sa langit ay mas mataas kaysa sa lupa

12. Emaus

13. Na si Jehova ay “hindi magkakait ng anumang mabuti” mula sa atin

14. Sila ay kapuwa “manggagawa ng tolda sa paghahanapbuhay”

15. Labindalawa

16. Pitumpu

17. Mga tupa

18. “Ang Alpa at ang Omega”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share