Pinagbabantaan ng Tabako ang India at ang Tsina
NG KABALITAAN NG GUMISING! SA INDIA
YAMANG ang mga paghadlang sa pag-aanunsiyo ng tabako ay tumitindi at ang kabatiran sa mga panganib na dulot ng paninigarilyo sa kalusugan ay lumalaganap sa Kanluraning daigdig, ang malalaking kompanya ng tabako ay bumaling sa Silangan upang doon ibenta ang kanilang mga produkto. Ang mga pag-aaral na tinutustusan ng World Bank ay patiunang nagsasabi na ang mga mamamatay sa Tsina dahil sa tabako ay aabot sa isang milyon taun-taon pagsapit ng taóng 2010. Sinabi ng British Medical Journal na 100 milyong Tsino na wala pang 29 anyos ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
Nakikini-kinita ng World Health Organization na bukod sa Tsina, ang India—na may populasyon na halos isang bilyon—ay nakahanay para dumanas “ng pinakamalaki at pinakamataas na pagdami ng mga sakit na nauugnay sa tabako.” Sinasabi ng mga ulat na mga 20 milyong bata roon ang nagsisimulang manigarilyo bawat taon. Isang lalaking Indian sa Timog ang maraming taon nang malakas manigarilyo. Sumulat siya sa mga tagapaglathala ng Gumising! upang magpasalamat dahil sa isang artikulo sa magasin na nakatulong sa kaniya na lubusang ihinto ang paninigarilyo. Iyon ay ang artikulong “Maaari Mong Ihinto—Nagawa Namin!” na lumabas sa isyu ng Disyembre 8, 1998.
Anong mga dahilan ang maibibigay mo para ihinto ang paninigarilyo? Ang ilang nakapupukaw-kaisipang dahilan ay masusumpungan sa pahina 25 ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Maaari kang humiling ng isang kopya kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na inilaan o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ninyo ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipagkita sa akin ukol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.