Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g00 1/8 p. 31
  • La Bambouseraie—Isang Pangarap na Nagkatotoo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • La Bambouseraie—Isang Pangarap na Nagkatotoo
  • Gumising!—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Ano ang Nalalaman Mo Tungkol sa Temperatura?
    Gumising!—1991
  • Bamboo Organ—Pambihirang Musika ng Pilipinas
    Gumising!—1994
  • Damo—Hindi Lamang Isang Luntiang Bagay sa Ilalim ng Iyong mga Paa
    Gumising!—2002
Iba Pa
Gumising!—2000
g00 1/8 p. 31

La Bambouseraie​—Isang Pangarap na Nagkatotoo

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA PRANSIYA

MAHIGIT na 150 taon ang nakararaan sa timog ng Pransiya, pinasimulang gawin ni Eugène Mazel, isang tagaangkat ng mga panrikadong mula sa Asia, ang balang araw ay magiging pinakamalaking punlaan ng kawayan sa daigdig, na nagtataglay ng halos 200 iba’t ibang uri ng damong ito na mabilis lumaki at maraming gamit. Hanggang noong 1855, nahadlangan ang ambisyon ni Mazel dahil sa isang malaking balakid: Hindi tumubo ang kawayan sa Europa.

Nabigo ang pagtatangkang mag-angkat ng ganitong damo mula sa Asia. Bagaman talagang matibay ang kawayan kapag nasa likas na kapaligiran nito (makakayanan ng ilang uri ang temperatura na kasimbaba ng -24 digri Celsius at maaari itong tumubo sa mga lugar na may taas na hanggang 5,000 metro), imposible naman na panatilihing buháy ang mga ugat nito kapag ibinibiyahe nang malayo patungo sa ibang kontinente. Gayunman, dahil sa paglitaw ng mas mabibilis na sasakyang-pandagat, ang mga ispesimen ng kawayan ay matagumpay na inangkat patungong Inglatera noong 1827 at, nang maglaon, maging sa Pransiya. Malapit nang magkatotoo ang pangarap ni Mazel!

Ang sumunod na hamon kay Mazel ay ang paghanap ng isang angkop na lugar para sa kaniyang punlaan. Noong 1855, bumili siya ng isang 84-na-akreng lupa malapit sa Anduze, sa timog ng Pransiya, na nakikinabang sa klima ng Mediteraneo at sagana sa angkop na lupa. Kinailangan ang malaking trabaho upang mapadaloy ang tubig mula sa karatig na ilog. Subalit nagtagumpay ang puspusang pagpapagal ni Mazel.

Nakalulungkot, pagsapit ng 1890, nabangkarote si Mazel at kinailangan niyang ipagbili ang kaniyang napakahalagang halamanan. Mabuti na lamang, ipinagpatuloy ng iba ang kaniyang iniwan, anupat ngayon, tinatayang 350,000 ang bumibisita taun-taon sa La Bambouseraie​—ang pangarap ni Mazel na nagkatotoo.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Lahat ng larawan: La Bambouseraie de Prafrance

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share