“Gumaganyak ng Pagtitiwala at Nagpapatibay ng Pananampalataya”
ISANG INTERNASYONAL NA PROGRAMA NG pag-aaral sa Bibliya na isinagawa ng mga Saksi ni Jehova kamakailan ang naglakip ng ilang-buwang pag-aaral sa sinaunang kasaysayan at hula ayon sa nakaulat sa aklat ng Bibliya na Daniel. Pansinin ang pagpapahalagang ipinahayag sa sumusunod na liham mula sa Poland.
“Sa loob ng mahabang panahon, nais naming magkaroon ng tumpak na pagkaunawa sa hula ni Daniel sa Bibliya. Ngayon, ang pagnanais na iyan ay natugunan. Ang pantulong sa pag-aaral ng Bibliya na ginamit, ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!, ay kakikitaan ng simpleng pangangatuwiran, maliwanag na pananalita, at kahanga-hangang mga ilustrasyon. Lahat ng ito’y nakaaakit sa isipan at sa puso. Ito ay nakaragdag sa aming pagtitiwala na matutupad ang layunin ng Diyos sa kaniyang takdang panahon. Ang mahusay na pantulong na ito sa pag-aaral ay gumaganyak ng pagtitiwala at nagpapatibay ng pananampalataya.”
Ikaw ba’y nababagabag sa mapag-alinlangang saloobin sa ngayon, kasali na rito ang di-makatuwirang pagpuna sa kasaysayan ng Bibliya? Kung gayon, ang publikasyong Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! ay kapuwa aakit sa iyo at magpapasigla sa iyong puso. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Lines sa pahina 32]
Persian frieze: From the book The Coloured Ornament of All Historical Styles; Alejandrong Dakila: Roma, Musei Capitolini; cylinder: Photograph taken by courtesy of the British Museum