Ang Aorta—Isang Kamangha-manghang Disenyo
Ang aorta ay isang mas masalimuot na uri ng “tubo” kaysa sa dating inakala ng mga siyentipiko. Sa unang tingin, ang balantok ng aorta ay nakakahawig ng kurbadong hawakan ng isang payong. Subalit hindi iyan lubusang tumpak. Ang balantok ng aorta ay hindi lamang isang simpleng kurbada na may dalawang sukat kundi isang kurbada na may tatlong sukat, na gaya ng isang pinutol na bahagi ng isang coil spring. Kung ilalatag sa isang patag na patungan, ito ay pupulupot at tatayo.
Bakit ganito ang disenyo nito? Sapagkat sa halip na padaluyin lamang ang dugo sa balantok na gaya ng tubig sa kurbada ng isang ilog, pinangyayari nito na makalawang umalimpuyo ang dugo sa aorta sa paraang paikid. Sa gawing loob ng isang kurbada ng ilog, mas mabagal ang daloy ng tubig, anupat pinangyayari na matipon doon ang latak. Subalit sa gawing labas ng kurbada, mas mabilis ang daloy ng agos, anupat inaanod pa nito ang pampang ng ilog. Sa aorta, dahil sa gayong pagkakaiba ng bilis ay baka mamuo ang mapanganib na mga plaque sa mas mabagal na likuan sa loob. Gayunman, sa pamamagitan ng pagpuwersa sa dugo na dumaloy sa paraang paikid, binabawasan ng aorta ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpapangyari sa dugo na pantay-pantay na malinisan ang pinakadingding nito.
Tunay na ang aorta ay isang makahimalang disenyo! May mabuting dahilan ang salmista sa Bibliya upang bumulalas: “Sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.”—Awit 139:14.
[Dayagram sa pahina 31]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
AORTA
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Larawan ng selula ng dugo sa likuran sa pahina 24-6, at 31: Lennart Nilsson