Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 4/8 p. 32
  • Talaga Bang Umiiral ang Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang Umiiral ang Diyos?
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 4/8 p. 32

Talaga Bang Umiiral ang Diyos?

Sa bansang Thailand, isang kabataang lalaki ang nagsabi na siya ay nanalangin, na hinihiling: “Kung ikaw ay talagang umiiral, Diyos ko, tulungan mo akong matutuhan ang iyong mga daan.” Nang maglaon, ipinaliwanag ng lalaki:

“Isa sa mga Saksi ni Jehova ang dumalaw sa aking tahanan, ngunit wala ako roon. Nag-iwan siya ng isang tract at isang imbitasyon na may mapa na nagpapakita ng lugar ng pagpupulong.” Sinunod ng lalaki ang direksiyong inilaan. Sinabi niya: “Napakalinis at napakasimple ng bulwagan, at napakagiliw at napakapalakaibigan ng mga tao.

“Ang isa pang bagay na hinangaan ko ay na ang bawat isa ay may sariling kopya ng Bibliya at binubuklat ito upang masubaybayan ang tagapagsalita. Iyan mismo sa tingin ko ang dapat na paraan ng pag-aaral ng isang tao sa Bibliya upang masumpungan niya ang pinakadiwa ng mga tunay na turo ng relihiyon. Ang isa pang nakamangha sa akin ay kung paanong nakasusubaybay ang mga kabataan sa pag-aaral at nakapagkokomento rin. Hindi pa ako nakakita ng ganito kailanman.”

Ang isa sa mga salig-Bibliyang publikasyon na ginagamit sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova ay ang aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Maaari kang tumanggap ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito na may pabalat na papel kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

“Pillars of Creation” sa pabalat ng aklat: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share