Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 5/22 p. 32
  • “Nahuhumaling Ako sa Inyong mga Magasin”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Nahuhumaling Ako sa Inyong mga Magasin”
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 5/22 p. 32

“Nahuhumaling Ako sa Inyong mga Magasin”

Ang tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower sa Alemanya ay nakatanggap kamakailan ng sulat na ang isang bahagi ay kababasahan ng ganito:

“Aaminin ko na nahuhumaling ako sa inyong mga magasin. Laging ganito ang nangyayari taun-taon. Bago magbakasyon, ipinapasiya kong itabi muna ang dalawang pinakabagong isyu upang may mabasa ako sa tabing-dagat. Isang matibay na pasiya!

“Ngunit kapag nasa mga kamay ko na ang mga ito, nagsisimula na ang problema. Susulyapan ko sandali ang mga nilalaman nito. Wow, may talambuhay! Buweno, siguro babasahin ko ito bilang pampagana lamang at tama na. Aba, pero mukhang kawili-wili ang susunod na artikulo. Tama na! Kailangan ko ang mga magasin para may mabasa ako sa aking bakasyon. Sige na nga, pero isang artikulo na lang. At ang mga balita sa ‘Pagmamasid sa Daigdig’ ay laging lubos na nakapagtuturo! Sa bandang huli, gaya ng inyong mahihinuha, pagdating ko sa tabing-dagat, wala nang natitirang artikulo na mababasa.”

Ang pang-akit ng Gumising! ay makikita sa bagay na mga 20,300,000 kopya ang inililimbag bawat isyu sa 82 wika. Nasisiyahan ang mga mambabasa sa positibong pangmalas nito. Ipinaliliwanag ng “Kung Bakit Inilalathala ang Gumising!,” na lumilitaw sa bawat isyu, na ‘pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha hinggil sa isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan.’

Gayunman, marami ang nagtatanong, ‘Bakit napakatagal nang pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?’ Sinasagot ang tanong na iyan sa brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong makikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share