Hindi Lamang Para sa mga Tin-edyer
Sa isang liham sa tanggapang pampangasiwaan ng mga Saksi ni Jehova sa Poland, ipinaliwanag ng 25-taóng-gulang na si Jolanta na siya’y nanlumo. Siya ay may kapansanan na humahadlang sa kaniyang paglalakad, at sa loob ng anim na buwan, parehong namatay ang kaniyang ina at lola. Magkagayunman, sinimulan niyang basahin ang publikasyong Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Sumulat siya:
“Naniniwala ako na kapaki-pakinabang ang publikasyong ito para sa mga tin-edyer ngunit hindi para sa akin,” ang sabi niya. “Maling-mali ako! Sa pagsusuri ko sa mga kabanata 12 hanggang 16 ng aklat, nasumpungan ko ang maliwanag na mga kasagutan sa aking mga katanungan: ‘Bakit ako labis na nanlulumo at nalulungkot?’ ‘Bakit ayaw ko sa aking sarili?’ at ‘Bakit ako labis na nagdadalamhati sa pagkamatay ng aking mga mahal na kamag-anak?’ ”
Nagpatuloy siya: “Dalawang punto sa pahina 130 ang nakaakit sa akin: ‘Sa pagkaalam na ang iyong pagdadalamhati ay normal ay isang malaking tulong upang maunawaan at malutas iyon. Subalit tumatagal lamang ang pagdadalamhati kapag patuloy mong tinatanggihan ang katotohanan.’ Ang pagbabasa ng mga salitang ito ay nagpalakas sa pangungunyapit ko sa aking pag-asa na makita ang mga natulog sa kamatayan, na nagbigay ng higit na kabuluhan sa aking buhay.”
Kung nais mong madaig ang iyong negatibong mga damdamin at higit na magkaroon ng kabuluhan ang iyong buhay, inaakala namin na makikinabang ka rin mula sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Upang makahiling ng isang kopya, punan ang kasamang kupon at ihulog ito sa direksiyong ibinigay o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.