Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 9/8 p. 31
  • Isang Kabataang Babae na may Magandang Pag-asa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Kabataang Babae na may Magandang Pag-asa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Napabubuti ng mga Kabataang Pumupuri kay Jehova ang Kalidad ng Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Paano Ko Pakikitunguhan ang mga Puna ng Aking mga Magulang?
    Gumising!—1992
  • Kusang-Loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili—Sa Ghana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Tinakasan Ko ang Masaker sa Cambodia at Nasumpungan Ko ang Buhay
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 9/8 p. 31

Isang Kabataang Babae na may Magandang Pag-asa

ANG mga tagapaglathala ng Gumising! ay tumanggap ng isang liham buhat sa isang 12-taóng-gulang na babaing nagngangalang Stephanie. “Gusto kong sabihin sa inyo kung gaano kalaki ang naitulong ng mga publikasyon sa akin sa paaralan,” ang sulat niya. “Kamakailan, naatasan kami ng isang proyekto na may temang ‘Pagkakaiba-iba ng Kultura.’ Naghanap kami ng pamilya ko sa mga publikasyon, anupat ginugupit ang mga teksto at mga larawan na angkop sa tema. Pagkatapos ay idinikit ko ang mga artikulong nasumpungan namin sa isang poster board.” Iniutos ng guro ni Stephanie sa klase na piliin ang inaakala nilang limang pinakamagaling na mga proyekto. “Kinabukasan,” ang sulat ni Stephanie, “nasumpungan kong ang aking proyekto ay kabilang sa limang pangunahing napili.”

Ang isa sa publikasyon na pinili ni Stephanie ay ang Oktubre 22, 1998, na Gumising! na may pamagat sa pabalat na “Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?” Bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, matibay na naniniwala si Stephanie na ang mga taong nagmula sa iba’t ibang kultura ay maaaring mabuhay na magkakasama nang mapayapa. Tunay nga, siya’y bahagi ng isang internasyonal na kapatiran kung saan ang dating magkakaaway​—kabilang na ang mga Tutsi at Hutu, mga Aleman at Ruso, mga Armeniano at Turko, mga Hapon at Amerikano​—ay pinagkaisa ng katotohanan ng Bibliya. Sama-sama nilang sinisikap na tularan ang kanilang Maylalang. Sa anong paraan? Ang isa sa mga teksto sa Bibliya na ginamit ni Stephanie sa kaniyang proyekto ang nagbibigay ng kasagutan: “Ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Gawa 10:34, 35) Ang mga Saksi ni Jehova ay gumagawa nang puspusan upang ipakita ang katulad na hindi pagtatangi sa kanilang mga pakikitungo sa iba.

Tumatanaw si Stephanie sa hinaharap na katuparan ng pangako ng Bibliya na malapit nang dalhin ng Kaharian ng Diyos ang matuwid na mga kalagayan sa ating lupa. (Apocalipsis 21:3, 4) Sa isang daigdig kung saan kinakaharap ng maraming kabataan ang kinabukasan taglay ang takot at kawalang-katiyakan, namumukod-tangi siya bilang isa na may magandang pag-asa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share