Natagpuan sa Isang Bilihan ng Basurang Papel
DIYAN nakita ng isang kabataang nagsasalita ng Tamil sa Chennai, India, ang isang kopya ng Agosto 8, 1999 ng Gumising! Matapos suriin ang magasin, gayundin ang iba pang mga kopyang kaniyang nakuha, ipinahayag niya ang kaniyang opinyon hinggil sa mga ito sa isang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa India.
“Ang Gumising!,” ang sulat niya, “ay isang mahusay na magasin, nakapagtuturo at talagang kapaki-pakinabang. Malaking tulong ang mga paksang iniharap. Binabati ko kayo!”
Pagkatapos ay hiniling ng kabataan: “Sana ay maging bahagi rin ng personal kong aklatan ang nakapagtuturong magasin na ito, na nakaaabot sa lahat ng sulok ng daigdig. Matapos mabasa ang mga magasing nailathala hanggang sa kasalukuyan, nais kong makatanggap ng darating na mga isyu.”
Gaya ng ipinaliliwanag sa pahina 4 ng bawat magasin, ang Gumising! ay nagbibigay-liwanag sa maraming paksa. Gayunman, isinasaad ng layunin nito: “Pinakamahalaga, pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan na malapit nang humalili sa kasalukuyang balakyot at magulong sistema ng mga bagay.”
Ang 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay nagtatampok sa layuning iyan ng Diyos at naglalaan ng impormasyon mula sa Bibliya, na ipinakikita kung ano ang kailangan nating gawin upang matamo ang kaniyang pagsang-ayon. Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.