“Marami Pa Akong Kailangang Malaman”
NOONG nakaraang taon, isang babae ang sumulat: “Natanggap ko kahapon ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? na hiniling ko sa pamamagitan ng koreo.” Ipinaliwanag niya na bago nito ay nakatanggap na siya ng dalawang anunsiyo tungkol sa brosyur. “Sabik akong naghintay sa pagdating nito dahil pagkabasa ko sa mga anunsiyo, alam kong marami pa akong kailangang malaman,” ang sabi niya. “Nang matanggap ko ang brosyur, sinimulan ko kaagad sa pinakamaagang pagkakataon ang pagbasa rito. Ang lahat ng nilalaman ng inyong brosyur ay makatuwiran at mula sa Bibliya.”
Ganito ang kaniyang konklusyon: “Nadarama ko na kailangan kong ikapit kaagad ang nabasa ko.”
Naniniwala kami na ikaw man ay makikinabang sa pagbasa sa 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Bukod sa kaakit-akit na aralin nito na “Sino si Jesu-Kristo?,” makasusumpong ka pa ng iba, kalakip na ang “Sino ang Diyos?,” “Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?,” at “Ano ang Kaharian ng Diyos?” Kung gusto mong humiling ng isang kopya, punan mo ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.