Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 11/22 p. 32
  • Ipinagdalamhati ang Kaniyang Kamatayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagdalamhati ang Kaniyang Kamatayan
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 11/22 p. 32

Ipinagdalamhati ang Kaniyang Kamatayan

Noong Enero 12 ng taóng ito, si Jesse Barnes, isang punong elektrisista, ay namatay dahil sa mga pinsalang tinamo niya samantalang nagtatrabaho sa isang gusali ng pamahalaan sa Washington, D.C. Nagtrabaho siya roon mula pa noong 1995. “Mahal ng lahat si Jesse,” ang sabi ng isang manedyer. Ganito ang sabi ng isang pangalawang pinuno ng pampangasiwaan tungkol kay Jesse: “Siya ang taong maaalaala mo kahit minsan mo lamang siya nakilala.” Sinabi rin niya: “Hindi niya kailanman ipaggigiitan sa iyo ang kaniyang mga paniniwala, subalit kapag narinig niya ang iba na nagmumura, sinasaway niya sila.”

Si Jesse, na 48 anyos nang mamatay, ay naging Saksi ni Jehova noong 1993. Inanyayahan ng dalawang opisyal na dumalaw sa kanila ang nabalong asawa ni Jesse, si Maureen, at nakipagkita siya sa kanila noong Marso 20. Binigyan niya ang bawat isa sa kanila ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal (sa Ingles) at ng video na Jehovah’s Witnesses​—The Organization Behind the Name. Ang dalawang lalaki ay nagpasalamat sa mga regalo. Sinabi ng isa sa kanila na lubha niyang pinahahalagahan ang pagdalaw sapagkat kamamatay lamang ng kaniyang ama at nahihirapan siyang tanggapin ang pagkamatay nito.

Marahil ikaw o ang iba na kakilala mo ay maaaliw sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Makahihiling ka ng isang kopya nito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share