Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 5/8 p. 32
  • ‘Tingnan Mo Ang Mabuting Lupain’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Tingnan Mo Ang Mabuting Lupain’
  • Gumising!—2004
Gumising!—2004
g04 5/8 p. 32

‘Tingnan Mo Ang Mabuting Lupain’

“Ang kahanga-hangang kagamitang ito ang kailangang-kailangan ko,” ang sulat ng isang babae matapos repasuhin ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain,’ isang brosyur na may mga mapa sa Bibliya na inilathala kamakailan. “Naging buháy ngayon sa akin ang mga lugar at mga tao at mga situwasyon sa Kasulatan.”

Ang makulay na brosyur na ito na may 36 na pahina ay tumutulong sa mga estudyante ng Salita ng Diyos na maguniguni ang mga ulat ng Bibliya. “Kapag nakita mo ang pagkakaiba ng taas ng kinaroroonan ng templo at ng lupain sa palibot nito, talagang mauunawaan mo ang kasulatan na bumabanggit sa ‘mataas’ na uri ng pagsamba kay Jehova,” ang sabi pa niya. “Malaking tulong ito upang malinaw na maunawaan kung paano ipinuwesto ang mga kanlungang lunsod, gayundin ang iba pang mga lugar kapuwa sa Hebreo at Griegong Kasulatan. Sinimulan ko nang gamitin ang magandang brosyur na ito sa pag-aaral sa aklat ng Bibliya na Mga Gawa.”

Ganito nagtapos ang babaing ito: “Nakikini-kinita ko na lagi kong gagamitin ang magandang regalong ito sa aking pagbabasa ng Salita ng Diyos.”

Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito na pinamagatang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain,’ kung pupunan mo ang kasamang kupon at ipadadala ito sa adres na ipinakita sa kupon o sa angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share