Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/22 p. 32
  • Inaliw Siya Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inaliw Siya Nito
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 5/22 p. 32

Inaliw Siya Nito

Isang dalaga mula sa Hapon ang sumulat kamakailan hinggil sa nadama niyang depresyon bago pa man siya magtin-edyer. Ang nakaaliw sa kaniya, sabi ng dalagang ito, ay ang larawan ng isang batang yakap ng kaniyang ama, na inilathala sa ating magasing Ang Bantayan. Ganito ang sinasabi sa kapsiyon: “Tulad ng mainit na yakap ng isang maibiging ama, maiibsan ng mga pang-aaliw ni Jehova ang ating kabalisahan.”

Ipinaliwanag ng dalaga na naaliw rin siya sa pagbabasa ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Paano? “Isinulat ito sa paraang para bang nakikipag-usap ang isang ama sa kaniyang maliit na anak. Kapag binabasa ko ito, pakiramdam ko’y yakap ako ni Jehova, at hindi ko mapigilang lumuha. Kung minsan, gusto ko lamang na may makinig sa akin, at sa ibang pagkakataon naman, gusto kong may makipag-usap sa akin para makinig sa kaniya. Bagaman wasto naman na hilingin ng isang bata ang gayon, hindi ko masabi kaninuman na yakapin nila ako o na gusto kong kausapin nila ako. Kaya, sa ngayon, si Jehova ang gumagawa sa akin nito sa pamamagitan ng aklat na ito.”

Ang aklat na ito na may 256 na pahina at magagandang larawan ay inilabas dalawang taon na ang nakalipas. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share