Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 2/22 p. 31
  • Natutuhan Niya Ito sa Gumising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natutuhan Niya Ito sa Gumising!
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 2/22 p. 31

Natutuhan Niya Ito sa Gumising!

SI Perla, isang walong-taóng-gulang na batang babae, ay nasa ikalawang grado sa estado ng Veracruz, sa Mexico. Isang araw, nagtanong ang kaniyang guro kung may sinumang nakaaalam kung gaano kahaba ang isang balyena. Noong una ay walang sumasagot. Pagkatapos ay itinaas ni Perla ang kaniyang kamay at sinabi, “Ang abuhing balyena po ay maaaring 14 na metro ang haba at 16 na tonelada ang bigat.”

Nagulat ang guro at nagtanong, “Saan mo natutuhan iyan?”

“Sa magasing Gumising! po,” ang tugon niya. “Kung pahihintulutan po ninyo ako, maipakikita ko ito sa inyo.” Nakaugalian na ni Perla na magdala ng bagong mga isyu ng Gumising! sa kaniyang bag na pampaaralan upang maibahagi ito sa iba. Nagkataon namang dala niya ang isyu ng Setyembre 8, 2003 na naglalaman ng artikulong “Isang Kawili-wiling Panonood sa mga Abuhing Balyena.”

Malugod na tinanggap ng guro ni Perla ang kopya ng magasin. Hindi lamang niya binasa ito kundi nais niyang hingin ito kay Perla. Gusto rin ng ibang mga estudyante ng isang kopya, kaya kumuha si Perla ng mga kopya para sa siyam na estudyante. Lubhang pinuri si Perla ng kaniyang guro, na dinadalhan niya ng kopya ng Gumising! tuwing ikalawang linggo.

Di-nagtagal pagkatapos ng karanasang ito, dumalo si Perla sa isang pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Bago umalis si Perla, sinabi ng kaniyang guro na malulugod itong tumanggap ng regalo mula sa kombensiyon. Kaya ikinuha siya ni Perla ng isang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na inilabas noong tag-araw ng taóng iyon.

Nang maglaon, sinabi ng guro sa ilan sa kaniyang mga estudyante, “Isang magandang halimbawa si Perla, yamang hindi lamang niya masikap na binabasa ang kaniyang mga aklat sa paaralan kundi pinag-aaralan din niya ang iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon at ibinabahagi pa nga ito sa atin.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share