Mayroon Bang Isang Maylalang? Kung Mayroon, Nagmamalasakit ba Siya sa Iyo?
◼ Marami ang nagtatanong, Paano umiral ang uniberso, ang ating planeta, at ang buhay rito? At ano ang kaugnayan ng mga tanong na ito sa pagkakaroon natin ng kasiya-siya at makabuluhang buhay?
Maraming tao ang naniniwala sa paglalang, na mayroong isang Maylalang na nagmamalasakit sa atin. Ipinakikita ba ng bagong mga katibayan sa siyensiya na makatuwirang maniwala sa paglalang? Bakit maraming edukadong tao ang nag-aaral ng Bibliya, at ang sinasabi ba nito tungkol sa Maylalang ay dapat nating bigyang-pansin gayundin ng ating mga mahal sa buhay?
Tinatalakay ang mga isyung ito sa 192-pahinang aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Ang malilinaw na sagot nito ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng higit na makabuluhang buhay at mas maligayang kinabukasan. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Eagle Nebula: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA