Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/10 p. 3
  • Lagi Ka Bang Gahol sa Oras?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lagi Ka Bang Gahol sa Oras?
  • Gumising!—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Hamon: Napakaraming Gawain
    Gumising!—2015
  • Ano ang Magagawa Ko Tungkol sa Napakaraming Araling-Bahay?
    Gumising!—1993
  • 20 Paraan Para Magkaroon ng Higit na Panahon
    Gumising!—2010
  • Isentro ang Inyong Buhay sa Paglilingkod kay Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Gumising!—2010
g 4/10 p. 3

Lagi Ka Bang Gahol sa Oras?

KUNG ang ikalawa o ikatlo ang nilagyan mo ng tsek sa karamihan ng tanong sa gawing kanan, talaga sigurong kailangan mo ng higit na panahon. At hindi ka naman nag-iisa. Halos kahit saan, nagkukumahog ang mga tao sa paggawa ng mga dapat gawin​—at baka nga hindi pa kasama rito ang mga bagay na talagang mahalaga sa kanila. Baka nauubos ang oras nila sa pagkukumpuni ng kotse, pagsunod sa ipinagagawa ng boss, o pagharap sa mga biglaang pang-abala. Habang pilit mong inaasikaso ang mga bagay-bagay, baka madama mong wala ka nang kontrol sa oras mo. Baka nga dahil sa lagi ka na lang naghahabol sa oras, hindi ka na nasisiyahan sa buhay mo.

Siyempre pa, kinukumbinsi mo ang sarili mo na pansamantala lang ito. Sa kalaunan, magkakaroon ka rin ng panahon sa mga bagay na talagang mahalaga sa iyo​—mga bagay na talagang magdudulot ng kasiyahan sa iyo, sa iyong pamilya, at sa ibang tao. Pero kailan? Maisasama mo ba iyan sa iskedyul mo ngayon? Ngayong linggo? Sa susunod na buwan?

Ang totoo, hindi babagal ang pag-ikot ng mundong ginagalawan mo. Pero may magagawa ka para magkaroon ka ng higit na panahon. Ano?

[Kahon sa pahina 3]

Gaano kadalas mong binibigyan ng panahon ang mga bagay na talagang mahalaga sa iyo?

◯ Araw-araw

◯ Tuwing dulo ng sanlinggo

◯ Napakadalang

Sa isang karaniwang araw, sa tingin mo ba’y

◯ Nagagawa mo ang mga iniskedyul mong gawin?

◯ May sinusunod kang rutin na nakakahadlang sa mga plano mong gawin?

◯ Basta-basta mo na lang ginagawa anuman ang hingin ng pagkakataon?

Sa isang karaniwang araw, sa tingin mo ba’y

◯ Kontrolado mo ang mga bagay-bagay?

◯ Napipilitan kang gawin ang mga di-makatuwirang kahilingan sa iyo?

◯ Santambak ang iyong gawain, anupat halos wala ka nang pahinga?

Sa pagtatapos ng araw, nagagawa mo ba ang mga bagay na talagang mahalaga?

◯ Oo

◯ Oo, pero hindi nga lang maayos

◯ Hindi

Sa pagtatapos ng araw, ano ang kadalasang pakiramdam mo?

◯ Kontento at masaya

◯ Pagod, tensiyonado, at parang walang nagawa

◯ Dismayado

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share