Isang Binagong Daigdig—Makikita Mo Pa Kaya Iyon?
● Ang unang mga artikulo sa isyung ito ng Gumising! ay tumatalakay sa inaasam ng maraming tao—isang magandang daigdig. May pag-asa bang makita mo pa iyon?
Naniniwala ang mga tagapaglathala ng magasing ito, ang mga Saksi ni Jehova, na makatutulong ang Bibliya para maunawaan natin kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ito ang tanging banal na aklat na naglalahad ng kasaysayan ng sangkatauhan buhat sa pasimula. Sinasabi rin ng Bibliya kung ano ang magiging kinabukasan natin—hindi isang malungkot na buhay gaya ng iniisip ng marami.
Gusto mo ba ng higit pang impormasyon tungkol sa sinasabi ng Bibliya sa paksang ito? Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? ay makatutulong sa iyo. Inilathala ito ng mga Saksi ni Jehova at makukuha ngayon sa 244 na wika.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.