Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/12 p. 3
  • Maging Interesado

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Interesado
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Kung Ayaw Ko Nang Pumasok sa School?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Dapat Ba Akong Huminto sa Pag-aaral?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Makinabang Nang Mabuti sa Paaralan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Bakit Dapat Akong Puspusang Mag-aral sa Paaralan?
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—2012
g 10/12 p. 3

Maging Interesado

Para maging interesado ka sa anumang gawain, kailangan mong makita ang kahalagahan nito.

ANO ang praktikal na kahalagahan ng pag-aaral sa iskul? Makatutulong ito para magkaroon ka ng karunungan, at ayon sa Bibliya, “ang karunungan ay pananggalang.” (Eclesiastes 7:12) Paano? Ipaghalimbawang maglalakad ka sa isang mapanganib na lugar. Ano ang pipiliin mo​—maglakad na nag-iisa o maglakad na kasama ang mga kaibigan mo na mapoprotektahan ka kung kinakailangan? Ang mabuting edukasyon ay tutulong sa iyo na magkaroon ng mahuhusay na “kaibigan” na palaging nasa tabi mo. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Kakayahang mag-isip. Ang pag-aaral ay makatutulong sa iyo na magkaroon ng tinatawag sa Bibliya na “sentido-kumon at matinong pagpapasiya.” (Kawikaan 3:21, Contemporary English Version) Kung taglay mo ang mga kakayahang ito, malulutas mo ang sarili mong mga problema sa halip na laging humingi ng tulong sa iba.

  • Kakayahang makibagay. Pinapayuhan ng Bibliya ang mga Kristiyano na linangin ang mga katangiang gaya ng mahabang pagtitiis at pagpipigil sa sarili. (Galacia 5:22, 23) Dahil sari-saring tao ang nakakasalamuha mo sa iskul, marami kang pagkakataon na ipakita ang mga katangiang iyan, kasama na ang pagpaparaya, paggalang, at empatiya​—mga katangiang mapapakinabangan mo hanggang sa maging adulto ka.

  • Praktikal na kasanayan. Matututuhan mo sa iskul ang kahalagahan ng dedikasyon sa trabaho, na tutulong sa iyo na makakuha ng trabaho sa hinaharap at mapanatili ito. At miyentras mas lumalawak ang kaalaman mo, mas makikilala mo ang sarili mo at malalaman kung ano ang pinakamahalaga sa iyo. (Kawikaan 14:15) Sa gayon, makapaninindigan ka sa iyong mga paniniwala sa magalang na paraan.​—1 Pedro 3:15.

Mahalagang tandaan: Dahil kailangan mo ng edukasyon, hindi makatutulong ang pagpopokus sa mga bagay na inaayawan mo sa pag-aaral. Sa halip, isipin ang mga pakinabang na binanggit sa itaas. Baka nga may maisip ka pang ibang pakinabang!

Simulan mo na ngayon! Isipin ang pinakamalaking pakinabang na gusto mong makuha sa pag-aaral.

Pinahahalagahan ang Mahuhusay na Guro!

“Puwede sanang magtrabaho sa isang pinansiyal na institusyon ang titser namin sa ekonomiks noong haiskul, pero mas pinili niyang magturo sa isang iskul sa mahirap na komunidad kung saan karamihan ng mga estudyante ay walang interes sa ekonomiks. Pero itinuro niya iyon sa paraang simple at nakaka-enjoy, at ipinakita niyang mahalaga iyon. Minsan, tinawagan pa niya ang nanay ko para sabihin na mahusay ang ginawa kong essay. Nang tanungin siya ng mga estudyante kung bakit napili niyang magturo sa iskul namin, sinabi niyang doon siya enjoy na enjoy magturo. Naiintindihan niya kami, nagmamalasakit siya sa amin, at pinapapurihan niya kami. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng naging titser ko!”​—Reyon, Estados Unidos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share