Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/12 p. 5
  • Humingi ng Tulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Humingi ng Tulong
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Ko Makakasundo ang Teacher Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Paano Ko Makakasundo ang Teacher Ko?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Papaano Ko Pakikisamahan ang Aking Guro?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Paano Ko Makakasundo ang Aking Guro?
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—2012
g 10/12 p. 5

Humingi ng Tulong

Mahalaga na may nagpapayo at tumutulong sa iyo, hindi lang habang nag-aaral ka pa kundi pati sa mga gagawin mo kapag adulto ka na.

SINO ang makatutulong sa iyo sa pagsisikap mong makinabang sa pag-aaral?

Pamilya.

“Kapag kailangan ko ng tulong sa homework ko,” ang sabi ni Bruna, isang 18-anyos na taga-Brazil, “ipapaliwanag ni Daddy ang topic at pagkatapos, tatanungin niya ako hanggang sa makuha ko ang sagot.”a

Tip: Una muna, tanungin ang magulang mo kung gaano siya kagaling noon sa subject na nahihirapan ka. Kung mahusay siya sa subject na iyon, baka siya ang makatulong sa iyo.

Titser.

Maraming titser ang natutuwa kapag nalaman nilang gusto talagang matuto ng isang estudyante, at handa silang tumulong.

Tip: Puwede mong sabihin sa titser mo, “Nahihirapan po ako sa subject na ’to, pero gusto ko talaga itong maintindihan. Ano po ang maipapayo n’yo sa akin?”

Mentor.

Baka makatulong sa iyo ang isang mapagkakatiwalaang kaibigan ng inyong pamilya. May mga pakinabang dito: Una, may tutulong sa iyo; at ikalawa, matututo kang tumanggap ng tulong kung kailangan​—isang bagay na mahalaga kahit adulto ka na. Ang totoo, karamihan ng tagumpay ay resulta ng pagtutulungan, hindi ng solong pagsisikap.​—Kawikaan 15:22.

Tip: Tanungin ang mga magulang mo kung sino ang puwede mong maging mentor.

Mahalagang tandaan: Hindi masamang humingi ng tulong!

Simulan mo na ngayon! Ilista ang dalawa o tatlong huwaran para sa iyo​—mga taong nirerespeto mo. Matutulungan ka ba ng isa sa kanila sa mga gawain mo sa iskul?

a Puwede ring makatulong sa iyo ang ate o kuya mo.

“Ang Paborito Kong Titser”

“Ang paborito kong titser ay istrikto, pero iginagalang siya ng lahat. Ang sigla niyang magturo. Panay ang kumpas niya at palakad-lakad siya habang nagtuturo. Napasisigla niya ang buong klase na mag-participate sa discussion. Kapag hindi mo maintindihan ang isang punto, matiyaga niya iyong ipaliliwanag hanggang sa maintindihan mo. Lagi niyang sinasabi na gustung-gusto niya na nagtatanong kami. Kasi kapag nagtatanong kami, nalalaman daw niya kung ano ang hindi namin naiintindihan at nakikita rin niya kung paano pa niya mapahuhusay ang pagtuturo niya. May malasakit siya sa lahat. Maraming estudyante ang nagpasiyang gawing propesyon ang accounting​—ang subject na itinuturo niya​—matapos maging estudyante niya sa loob ng isang taon!”​—Alana, Australia.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share