Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/14 p. 12-13
  • Pagbisita sa Cambodia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa Cambodia
  • Gumising!—2014
Gumising!—2014
g 4/14 p. 12-13
Palayan sa Cambodia

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Cambodia

Mapa ng Cambodia

MGA nakalutang na nayon, matataong palengke, mga kalsadang punô ng motorsiklong may kargang kung ano-ano mula sa buháy na manok hanggang sa refrigerator​—ilan lang ito sa tanawing makikita sa mga lugar sa Cambodia.

Ang mga taga-Cambodia ay kilaláng mababait, palakaibigan, at malapít sa isa’t isa. Sa di-pormal na pag-uusap, baka magtawagan pa nga sila ng kuya, ate, tiya, tiyo, lola, o lolo​—kahit noon lang sila nagkakilala!

Mga bahay sa tubig na may matataas na tukod

May mga taga-Cambodia na nakatira sa mga bahay na bangka; ang iba naman ay sa mga bahay na may matataas na tukod o itinayo sa nakalutang na plataporma. Mayroon pa ngang nakalutang na mga paaralan, klinika, palengke, at gasolinahan

Dragon fruit

Ang dragon fruit ay popular sa Cambodia

Kanin ang pangunahing pagkain sa Cambodia. Karaniwan nang tatlo o apat na ulam ang inihahain, at kadalasan nang may kasamang sabaw. Paborito nila ang isda. Sa hapag-kainan, karaniwang inihahain ang mga ulam na matamis, maasim, at maalat.

Mga 2,000 taon na ang nakararaan, ang mga mángangalakál na taga-India at mga pilgrim na papuntang Tsina ay nagsimulang dumaong sa baybayin ng Cambodia at ipinagpalit nila ang kanilang mga seda at metal sa mga espesya, mababangong kahoy, garing, at ginto. Nang maglaon, naimpluwensiyahan ng India at Tsina ang Cambodia, kung kaya lumaganap ang Hinduismo at Budismo. Sa ngayon, mahigit 90 porsiyento ng mga tagarito ay Budista.

Ang mga Saksi ni Jehova sa Cambodia ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa mula sa Bibliya. Marami na silang natulungan gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Makukuha ito sa mga 250 wika, pati na sa wikang Cambodian.

Mga Saksi ni Jehova habang ibinabahagi ang mensahe ng pag-asa mula sa Bibliya sa lalaking taga-Cambodia

Mahigit 1,500 katao sa Cambodia ang nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at nasasagot ang kanilang mga tanong na gaya ng, “Nasaan ang mga patay?” at “Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa?”

MAIKLING IMPORMASYON

  • Populasyon: Mga 14 na milyon

  • Kabisera: Phnom Penh

  • Klima: Mainit hanggang napakainit, na may tag-ulan at tag-araw

  • Pang-export: Damit, troso, goma, bigas

Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? sa wikang Cambodian

Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, ay makukuha sa wikang Cambodian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share