Introduksiyon
Bihira nang makita ang respeto sa mga tao kaya nagugulat ang iba kapag may nagpapakita ng respeto.
Halimbawa, marami ang hindi na masyadong nagpapakita ng respeto sa iba, sa magulang nila, at sa may-edad na, pati na rin sa mga pulis, employer, at guro. Makikita rin sa maraming comment sa social media ang kawalan ng respeto. Sinasabi ng isang artikulo sa Harvard Business Review na “parami nang parami” ang hindi nagpapakita ng respeto. Sinasabi pa nito na “matagal-tagal na ring dumarami ang nagrereport tungkol dito.”