Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 82
  • Sina Mardocheo at Ester

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sina Mardocheo at Ester
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 17—Esther
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Matalino, Matapang, at Di-makasarili
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Iniligtas ni Esther ang mga Kababayan Niya
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Siya ay Matalino, Matapang, at Di-makasarili
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 82

KUWENTO 82

Sina Mardocheo at Ester

BUMALIK tayo ng ilang taon bago pumunta si Ezra sa Jerusalem. Nang panahong iyon, sina Mardocheo at Ester ang pinakaimportanteng Israelita sa kaharian ng Persiya. Si Ester ang reyna, at ang kaniyang pinsang si Mardocheo ay pangalawa lamang sa hari. Papaano nangyari ito?

Namatay ang mga magulang ni Ester nang maliit pa siya, kaya si Mardocheo ang nagpalaki sa kaniya. Si Ahasuero, hari ng Persiya, ay may palasyo sa lunsod ng Susan, at si Mardocheo ay isa sa kaniyang mga katulong. Isang araw ang hari ay sinuway ng kaniyang asawang si Vasti, kaya alam mo ba kung sino ang pinili ng hari para maging kaniyang bagong asawa? Oo, ang maganda at batang-batang si Ester.

Ang mayabang na lalaki sa larawan ay si Haman. Importante din siya kaya lahat ay yumuyuko sa kaniya. Pero, tingnan mo! Si Mardocheo ay ayaw yumuko sa kaniya. Alam niya na mali ang yumuko sa isang masamang tao. Kaya galit-na-galit si Haman.

Nagkalat si Haman ng kasinungalingan laban sa mga Israelita at sinasabi niyang dapat silang patayin. Hindi alam ni Ahasuero na si Ester ay Israelita. Kaya gumawa siya ng batas na sa isang takdang araw, lahat ng Israelita ay dapat patayin.

Nang mabalitaan ito ni Mardocheo, nabagabag siya. Nagpadala siya ng mensahe kay Ester: ‘Makiusap ka sa hari para iligtas tayo.’ Inanyayahan ni Ester ang hari at si Haman sa isang malaking handaan. Pagkatapos ay inanyayahan uli niya sila kinabukasan.

Habang kumakain, sinabi ni Ester sa hari: ‘Ako at ang aking mga kababayan ay papatayin.’ Nagalit ang hari. ‘Sino ang nangahas na gumawa nito?’ tanong niya.

‘Ang balakyot na Hamang ito!’ sabi ni Ester.

Galit-na-galit ang hari kaya iniutos niya na si Haman ay patayin. Pagkatapos, hinirang niya si Mardocheo na maging pangalawa lamang sa kaniya sa kapangyarihan. Isang bagong batas ang pinagtibay para pahintulutan ang mga Israelita na ipagtanggol ang kanilang sarili sa araw na sila ay nakatakdang patayin. Dahil sa si Mardocheo ay isa na ngayong importanteng tao, marami ang tumulong sa mga Israelita, at sila ay naligtas mula sa kanilang mga kaaway.

Aklat ng Bibliya na Esther.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share