Pabalat sa Likod
ANG PAMILYA ang kilalang pinakamatandang institusyon ng tao, ngunit ito’y nanganganib sa ngayon. Ang nakapangangambang paglaganap ng pag-abuso sa droga at imoralidad sa mga tin-edyer, ang modernong salot ng diborsiyo at karahasan sa pamilya, ang mabilis na pagdami ng bilang ng mga pamilyang may nagsosolong magulang, at iba pang malulubhang suliranin ay nagiging dahilan kung kaya iniisip ng ilan kung makaliligtas pa kaya ang buhay pampamilya.
Posible kaya sa isang pamilya na ito’y maging isang matatag at mapag-arugang kapaligiran para sa mga miyembro nito? Oo, kung alam ng mga miyembro ng pamilya ang tunay na lihim ng kaligayahan sa pamilya. Ang lihim na ito’y hindi nakatago. Ito’y subok na at napatunayan na sa loob ng napakaraming siglo. Ano iyon? Ang aklat na ito, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, ang sumasagot. Nagbibigay rin ito ng praktikal na mga halimbawa kung paano makatutulong ang “lihim” na ito sa paglutas ng mahihirap na mga kalagayan sa pamilya. Mayroon bang sinuman sa ngayon na hindi nangangailangan ng impormasyong ito?