SEKSIYON 1
“Kamangha-mangha ang Kapangyarihan Niya”
Sa seksiyong ito, susuriin natin ang mga ulat ng Bibliya na nagpapatunay sa kapangyarihan ni Jehova na lumalang, pumuksa, magbigay ng proteksiyon, at magbalik sa dati. Magkakaroon tayo ng lakas ng loob at pag-asa kapag naunawaan natin kung paano ginagamit ng “napakalakas” nating Diyos na si Jehova ang kaniyang ‘kamangha-manghang kapangyarihan.’—Isaias 40:26.