Pabalat sa Likod
Tungkol sa Diyos na Jehova, ang Isaias 40:11 ay nagsasabi: “Gaya ng isang pastol, aalagaan niya ang kawan niya. Titipunin ng kaniyang bisig ang mga kordero, at bubuhatin niya sila sa kaniyang dibdib.” Kapag tinitingnan mo ang korderong nasa dibdib ng pastol, nasasabik ka bang maging malapít din na gaya nito sa iyong Ama sa langit? Subalit paano ka kaya mapapalapít kay Jehova?