Panloob na Pabalat
Mahal Naming mga Kabataan,
Mahal na mahal kayo ng inyong Ama sa langit, ang Diyos na Jehova. Gusto niyang maging maligaya kayo. ‘Pero puwede ba talagang maging maligaya ngayon?’ baka maitanong ninyo. Natural lang na maisip ninyo iyan, kasi napakarami nating problema sa araw-araw. Pero nariyan ang ating maibiging Ama! Tinutulungan tayo ng kaniyang Salita na makayanan ang maunos na buhay. Bagaman napakatagal nang naisulat ang Bibliya, praktikal pa rin ang mga payo nito.—Awit 119:98, 99; 2 Timoteo 3:16, 17.
Inilathala namin ang publikasyong ito dahil mahal namin kayo. Gusto naming maging maligaya kayo at matagumpay sa buhay. Kaya pinasisigla namin kayo na basahin ang buong aklat at repasuhin ito kapag napapaharap kayo sa mga problema. Ang isa sa mga layunin ng aklat na ito ay maging bukás ang komunikasyon sa pagitan ninyo at ng inyong mga magulang. Sana ay basahin ninyo o pag-aralan pa ngang magkasama ang ilang bahagi nito. Tiyak na matututo kayo sa karunungan at karanasan ng inyong mga magulang!
Hangad namin ang pinakamabuti para sa inyo,
Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova